CAPTURED MOMENTS

Malungkot

Posted on: May 1, 2008

Malungkot
mga kandilang nakasindi sa puntod ng aming lola…

Ano ba ang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ng kahit sino? Para sa akin, wala nang lulungkot pa sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Kamakailan (Jan. 20, 2008) ay namayapa na ang aming lola (sa aking ina) sa edad na 94. Kahit alam namin na nasa mas mabuti na syang kalagayan, hindi pa rin maiaalis ang lungkot na nararamdaman ng aming pamilya dulot ng kanyang pagpanaw. Tanging alaala na lamang ng masasayang araw sa piling nya ang naiwan…

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy sa tema para sa linggong ito…

Eto pa ang isang lahok na di naman kasing bigat kagaya ng nasa itaas… Pansinin na habang nakangiti ang 2 kong anak na lalaki sa gitna at kaliwa ay malungkot naman ang bunso. Dahil maraming manlalaro, hindi sya nakasali sa “badminton” nung araw na iyon. Bakas sa mukha nya na di sya nasiyahan gaya ng kanyang mga kuya.

(
“Di bale Jake, sa susunod, makakalaro ka na ulit.”

36 Responses to "Malungkot"

good shot 🙂

PinayInTheUS’s last blog post..Wordless Wednesday

Salamat PinayInTheUS!

Tama ka, Linnor, wala na atang lulungkot pa sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Kahit huli na, condolence sa iyo, kaibigan.

Pinky’s last blog post..LP #5: Malungkot

Salamat din sa “condolence” Pinky

magandang araw ng huwebes…

lino’s last blog post..malungkot (lonely)…

Magandang araw din sayo Lino

huwaaa.. mga kalungkutan nga ang nakkikita ko..kandila.. simbulo ng kalungkutan at kaligayahan na din.. (pag birhtday me candle hehe)

hay,. nakakalungkot talaga ang umaalis.. lalot pa alam mong hinde na babalik.. kahit alam naman nating dn talaga ang tungo nating lahat.. una una nga lang..

nasa magandang kinalalagyan na sya ngayon.. sa piling ng lumikha..

have a nice day

rose’s last blog post..sad

Hi Rose. Yun thought na di na babalik ang mahal sa buhay, yun ang nagpapalungkot…

Malungkot talaga ang mawalan ng mahal sa buhay ngunit ito ay parte ng ating pagkakalikha sa atin ng Diyos. Kaya nga dapat, habang nabubuhay tayo, gawin nating maayos ang ating pamumuhay dahil hindi natin hawak ang ating kapalaran.

Maligayang Araw ng Paggawa, Linnor.

Hi Julie! Tama ka… Maligayang Labor Day din sayo.

talagang pinamalungkot na maaaring mangyari sa ating buhay..pero lola’s in a better place now.

malaigayang huwebes!

Lizeth’s last blog post..Litratong Pinoy #4: Hugis ay Pahaba

Hi Lizeth! Maligayang Huwebes din sayo.

sana’y ayos ka lang ngayon… sigurado akong maligaya ang iyong lola…
magandang huwebes sa’yo…

lidie’s last blog post..LP #5 :: Malungkot

Hi Lidie… Ok naman ako. Salamat!

malungkot talaga!

Hi Ettey! Oo totoo nga…

Kahit medyo huli na ay nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong lola!

Maligayang Huwebes!

Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Malungkot

Salamat Buge…

ang ganda ng pagkuha mo Linnor.

maganda LP sa iyo 😉

Jeanny’s last blog post..LP#5 Malungkot

Salamat at nagustuhan mo Jeanny…

tama ka malungkot ang ganito, nawalam na ako ng ama kaya masakit at masaklap hehe.

eto akin: http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-5-malungkot-sad.html

jennyL’s last blog post..: Litratong Pinoy: #5 Malungkot (SAD)

Di ko maimagine ang sakit pag nawalan ng ama…. Wish ko sana healthy lagi ang mga mahal natin sa buhay.

Nice shot! May bahid nga ng kalungkutang alalahanin ang mga mahal na namayapa.

vanidosa’s last blog post..My 3rd – Litratong Pinoy

Hi Vanidosa! Magagandang alaala na lang ang dapat isipin para mabawasan ang lungkot.

maganda ang iyong kuha, linnor. nakakalungkot lang ang subject, as expected :).

magandang araw sayo!

Salamat Iris

Halos lahat naman ata may ganyang karanasan din nung bata. Ako rin. Iyakin pa naman ako nuon, hehehe.

komski kuno’s last blog post..Bakit naman parang nilamutak ang mukha mo?

Hehehe… Iyakin ka pala? Natural naman yata yun. 😀

Ganun nga yata pag bunso, laging iwan…bunso ako eh! SAka nalulungkot si bunso dahil naiwan sha sa pleanstville…(juk lang!) Maligyang LP!

G_mirage’s last blog post..LP # 5 Malungkot

Hi G_mirage. Hehehe…

nalulungkot din ako pag nakakakita ng ganitong larawan… naaalala ko ang aking tatay 😦

magandang araw sa iyo!

teys’s last blog post..LP#5 – Malungkot

Magandang araw din sayo Teys!

bigla naman ako naawa nung makita ko si bunso, damang dama ko ang kalungkutan nya, dahil ganun din ako dati pag matagal matawag ang pangalan ko sa susunod na manlalaro

Girlie’s last blog post..Litratong Pinoy #5 : Malungkot (sad)

Hi Girlie. Parang “big deal” sa bata no? 🙂

losing a love one is truly heartbreaking. but we have to go on living, dba? surely, your dearest lola is smiling down at you from heaven 😉

sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot

Hi Sardonic Nell. That’s our happy thought. 🙂

ayos na ayos ang pagkakahalera ng mga kandila…

iska’s last blog post..Ang Malungkot na LP5

Hi Iska. Nakabaon ang mga kandila sa gilid ng puntod kaya derecho. 😀

aww, kakaiyak ang lahok mo. Ikinalulungkot ko ang pagpanaw ng iyong lola linnor.

Cute pa rin tingnan kahit malungkot…Cheer up Jake! 🙂

Hi Nona. Nakabawi din si Jake after a few days.

Linnor, huli na pero ipinapaabot ko condolence sa iyo at buong pamilya. “tahimik na sila” madaling sabihin pero hindi pa rin maiaalis na hanap-hanapin natin sila sa tuwina, nakakalungkot ano?

ay si bunso..nalungkot naman ako!! sana naman lagi na syang nakakapaglaro ngayon.

guapito ang iyong mga anak 🙂

Salamat Thesserie! Natuwa din ako sa huling sentence mo. Hehehe.

Linnor, tama ka nga kahit gano katanda pa ang iyong mahal sa buhay eh hindi pa rin magbabago ang kalungkutang nararamdam mo dahil sa kanilang pagpanaw.

By the way, bakit ang daming kandila… ngayon lang ako nakakita ng ganyan.

Mas gusto ko yung panagalawa mong litrato dahil ito’y malungkot na medyo nakakatuwa… ang cute ng bunso mong anak… mkuhang sobrang sama ng loob niya … hehehe.

Clicking Away’s last blog post..LP005 – Malungkot

Hi Clicking Away! Kuha yan nung libing. Kaya halos lahat ng apo ay nagsindi ng kandila. Ang dami namin no? 🙂

malungkot talaga ang dinaanan nyo nitong nakaraan. 😦 at si jake, naawa naman ako. 😦

My LP Entry

christine’s last blog post..LP 5: Malungkot (Sad)

Hi Tin! Parang ang laki ng problema ni Jake no? 🙂

Kawawa naman si Jake…oo nga, sana naman makakalaro cya sa susunod… Gandang Huwebes!

zamejias’s last blog post..LP: Malungkot

Nakalaro din si Jake nung sumunod na punta namin

linnor, naiintindihan ko si jake! my kids are the same kaya nga di ko malaman san kukunin ang second strength para lang malarong pareho yung 2 kong maliit hehe

Justice’s last blog post..On a Pause

Korek! Pinapa-substitute ko na nga lang (kapalit ko) ang mga kuya sa pakikipaglaro sa bunso. Hehehe….

ang cute ng bata! hehehe
have a great day!

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html

yvelle’s last blog post..LP # 5 Malungkot

Hehehe… kasi cute din ang “farents”…. Joke lang…:)

hi linnor, comment ko na lang about jake’s pic (since i think nasabi na nila lahat and i second everyone’s opinion about losing a loved one). anyway, nakakaawa naman si jake, kitang-kita na defeated siya. a total contrast to his kuyas na all-smiles. bigyan ko siya ng hug, pwede?

MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot

Puedeng puede Meeya sis! 🙂 Sikip kasi sa courts kaya di sya nakalaro kahit sa tabi-tabi. Laging sinisita. Hehehe.

ay…parang nakatulog na yung bunso mo sa sobrang paghihintay! hehe.

ang ganda ng pagkahelera ng mga kandila sa puntod.

Oo nga fortuitous faery parang tulog sa pic yung bunso…

hindi kaya pagod lang si Jake at di malungkot…tsaka tunay na mahusay siyang mag inarte…arte nga lang ba ang kanyang kalungkutan?

Junnie’s last blog post..Flowers of May – or the lack of it

Pagod siguro sya… Yung lungkot sa face nya, malamang dala na rin ng page-“emote”. Hahaha…. Kids talaga! Mana sayo ang pamangkin mo.

Napaka ganda ng iyong mga lahok kaibigan… isa ito sa mga lahok na nagustuhan ko.

Magandang Umaga!

Eds’s last blog post..♥ Blog Advertising ♥

Salamat Eds! Na-flatter naman ako na isa ito sa nagustuhan mo. 🙂

ay, kawawa naman si jake! ang ganda nung effect na black and white si jake at colored lahat. hindi yan kaya ng powers ko. hahaha! 😀

weng’s last blog post..LP #5: Malungkot (Sad)

Hehehe…. Pinagtiyagaan ko lang i-edit yan. 😀

di bale, ang bawat lungkot ay may kapalit na kaligayahan. ang ganda ng kuha mo sa mga kandila. parang pati sila nakikiramay sa lungkot mo.

Totoo yan Grey! Salamat sa compliment 🙂

akmang akma ang mga larawan sa tema.
at mas lalong pinaganda pa ng mga effect.

Hi Mousey! Nakaka-inspire kasi magbigay ng magandang photo sa Litratong Pinoy eh… Napipilitan akong gandahan ang effects para hindi naman nakakahiya. Thanks sa compliment.:)

Magaling ang pagkakakuha mo ng mga litrato. sigurado akong masaya na ang lola mo kung nasan man sya naroroon 🙂

MommyBa’s last blog post..Litratong Pinoy: Malungkot

Thank you Mommyba! Masaya na si Lola kung saan man sya naroroon. 🙂

awwwww…. kumusta na si Jake? sana di na sya malungkot.

Gaya ng karamihan sa kabataan… ilang minuto lang, nakalimutan na nya kung bakit sya malungkot. Ayun parang walang nangyari at masayang naibaling ang pansin nya sa ibang bagay.

wawa naman si jake, nao-op. di bale cute naman siya 🙂

ang ganda ng una mong kuha 🙂

Kaje’s last blog post..LP5 – Malungkot

Ang layo kasi ng edad ni Jake sa mga kuya nya kaya minsan nao-op talaga. 🙂 Thanks Kaje!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Hello!

I'm 1/5th of a party of 5 based in Cebu. I've been married to my best friend for 16 years and we dote on our 3 sons aged 15, 12, and 4.5 years old. I work in an IT company (for 3 years now) and work allows me to blog, twit, post pics, and try new tech stuff in the internet. If you happen to visit, feel free to look around. :) Or you can find me on blogspot too: http://moonlight-mom.blogspot.com/

RSS Follow me on Twitter

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Archives

Top Clicks

  • None

Stats

Page Rank


web tracker

Communities

Pinoy Hot Blogs Photoblogs - Top Blogs Philippines



Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
%d bloggers like this: