CAPTURED MOMENTS

Hangin

Posted on: May 29, 2008

LP Hangin

Nahirapan akong pumili ng lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy para sa temang “hangin”. Paano mo nga ba makukuhanan ang isang bagay na di mo naman nakikita?

Ipagpaumanhin na at kuha ito habang nasa loob ako ng sasakyang bumabagtas sa kahabaan ng interstate. Kaya may repleksiyon pa ng camera kung papansinin nyo ng mabuti. Di ko na maalala kung saan eksakto pero madadaanan ito kung ikaw ay papuntang San Francisco (galing LA). “Windmills” nga ba ang tawag dito? Malamang.

O sya, makaikot na nga muna sa iba pang lahok nang makita ko kung paano na-interpret ng iba ang tema. Hanggang sa susunod…. Maligayang LP!

39 Responses to "Hangin"

Gusto ko ang paglalaro ng ilaw sa iyong lahok ngayong linggo – parang may “halo effect” kasi – ganda!

Happy Huwebes sa iyo!

wow! napakagandang larawan ng wind farm. ito na kaya ang solusyon sa krisis ng langis?

maganda naman ang naging epek ng reflection ng camera mo…may drama…

Maganda ang kuha mo at ang dami ng windmills dyan.

ang ganda ng mga kulay!
magandang huwebes sa’yo!

ang ganda ng lomo effect sa larawan mo๐Ÿ™‚ maligyayang huwebes po!

Tama. Lomo effect nga ang ginamit ko para lalong mabuhay ang kulay ng larawan.๐Ÿ™‚ Salamat!

gandang pagmasadang ang hele-helerang windmills…salamat din sa pagdalaw. magandang araw ng Huwebes sa iyo.

nadaanan ko rin nung nagpunta kme ng yosemite from san fo… happy huwebes…๐Ÿ™‚

ah so malapit na pala ito ng sanfo… di ko na kasi maalala๐Ÿ™‚

Maganda ang naging effect ng refelctions sa larawan mo! At gusto ko din ang vignette na nakapaligid sa larawan!

Magandang Huwebes sa yo kaibigan!๐Ÿ™‚

maganda gustong gusto kong makakita ng mga ganyan, ang dami nila ha.. Happy huwebes

Paano ba gawin yang nagdadark sa gilid, hehehe:D ganda e:D Nsa pinas ako kaya sa leyte lang ata may ganyan, hehehe.

hi arvin, vignette ang tawag sa pagdadark sa gilid or puede din gamitan ng lomo effect. may mga photo editing applications na puedeng makagawa ng ganyan.๐Ÿ™‚

Ang dami. Pareho kayo ni Dragon Lady ng kinuhanan๐Ÿ™‚

Magandang araw sa iyo, Linnor.

ang ganda ng iyong lahok! salamat sa pag-share nyo ng iba-ibang anggulo ng windmills na ito๐Ÿ™‚

Nakita ko mga daliri mo sa reflection ha ha! Maganda ang vignette effect nya, Linnor..at ang ganda din ng kulay ng langit.

Nice take on the theme, medyo mahirap nga this week๐Ÿ™‚

Huli pala ang mga daliri ko! Hahaha…

Ang ganda-ganda ng litrato mo Linnor! Parang pam-postcard!! Kulang nalang ay lagyan mo ng “Wish you were here.” Hehehe. Maligayang Huwebes sa iyo kapwa kong marikit na kapatid!

hi marikit sis!๐Ÿ™‚

ganda… saan to kuha????????? naway masulyapan mo rin ang aking lahok

kuha sa isang freeway sa california, taong 2006. ๐Ÿ™‚ dumaan na rin pala ako sa lahok mo๐Ÿ˜‰

sarap naman, nag long drive kayo?

hi girlie! napasubo sa long drive si hubs kasi nagtitipid. hehehe…

nahalata ko nga ang sinasabi mong repleksyon . . subalit maganda pa rin ang larawan. noong una, akala ko eto ung nasa ilocos subalit mas marami palang ‘windmills’ to. hahaha!๐Ÿ™‚

ang ganda ng kulay! lalo na’t parang nakagilid ang dark blue na ulap. maski kita ng kaunti ung camerang gamit, husay padin ng pagkakakuha

ganda ng kuha! tamang tama ito dahil ang dami ng nagrereklamo na mataas na ang singil ng meralco๐Ÿ˜€

happy LP!!

cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

sis, pareho tayo ng picture!๐Ÿ™‚ pati yung lugar na pinagkuhanan natin pareho hehehe. mas maaga ka lang dumating kesa sa akin.๐Ÿ™‚

grabe, what are the odds no? hehehe….

ang liwanag pa rin ng kalangitan kahit na mahangin. nakaka relax ang picture mo linnor. salamat!๐Ÿ™‚

happy thursday, din๐Ÿ™‚

nakakarelax and nakakaantok din. tulog ako some parts of the long drive, buti nakita ko ang mga yan๐Ÿ™‚

Hay! windmills uli! Ganda ganda naman ng paborito kong kulay! Happy LP!

it’s official, ang dami niyo ng kumuha ng windmills para sa tema ngayong linggo! hehe. ang ganda ng kuha mo. ang tingkad ng mga kulay, at never mind ng kinuha habang gumagalaw ang sasakyan. malinaw naman!๐Ÿ™‚


windmill ang unang pumasok sa isip ng marami ngayong linggo๐Ÿ™‚ salamat sa compliment!

ang ganda naman…galing galing

happy LP๐Ÿ™‚

galing kahit kinunan habang umaandar ang sasakyan! pang tatlo o apat na windmill na itong nabisita ko. Meron din tayo nyan sa Ilocos๐Ÿ™‚

wow! ang ganda!

mga higanteng bentilador heheh..

ang husay ng kuha!

nakalimutan ko na kung ano ang tawag jan,pero nakakita ako ng ganyan habang nag dra drive papunta kami ng Las Vegas from CA,ang dami nga yan sa Interstate.

ito yata ay pang anim na entry ng windmills na nakita ko plus sa akin hahaha. keep up! happy weekend po!

Hi Linnor. I like your windmills… baka pareho ito sa I5 entry ni Meeya. I’m sure na mangha ka when you saw all those windmills – I’m sure I would have been.

Happy LP!

Salamat Leap of Faith! Gandang tanawin nga ang mga windmills na yan sa kahabaan ng interstate.๐Ÿ™‚

Wind farm ang tawag dito…ang windmill ito. Old style lang.

di mo binuksan ang bintana mo? baka liparin ng hangin ang camera, LOL!

Salamat sa pagudyok at nakasali ako sa LP…andito pala rin ako sa LP sa Las Pinas hehehe

ayun, wind farm. dalawa kayong nag-comment na yan ang tawag sa hilera ng windmills na yan. bagong natutunan ko. di ko nga binuksan ang bintana ko for that reason. eheheh… sali ulit sa thu ha?

Oo windmills nga ang tawag dyan. Ang ganda. Dito sa may Pagudpud meron din nyan.

Salamat sa pagdalaw sa entry ko.

ang ganda ng pagkakakuha!!!! at ang ganda ng kulay berde na kapaligiran!

happy weekend!

Hello sa lahat! Salamat sa pagdalaw at sa magagandang papuri! Rest assured, dinalaw ko na rin ang mga lahok ninyo at nakita ko ang iba’t ibang interpretasyon sa tema ngayong linggo….๐Ÿ˜‰

Enjoy the weekend!

ang ganda naman ng lugar na yan. hindi na baleng may reflection sa salamin ng sasakyan. yan ba yung sa pelikula ni jodie foster ba yun? contact?

beautifuuuuul, the colors, the serenity, all of it!

hi linnor! naku, ngayon lang ako nagka-panahon na mabisita ang iyong lahok. naka-block pa rin ang ilang sites mula sa aming opisina. anyway, nakakaaliw talaga ang windmills na mga iyan sa I5. bibisitahin ko pa ang ibang lahok at balita ko’y marami-rami tayong nagsumite nang ganitong litrato! ayus! happy LP!

hahaha. nagulat ako sa third party mo๐Ÿ˜€

salamat sa comment linnor๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Hello!

I'm 1/5th of a party of 5 based in Cebu. I've been married to my best friend for 16 years and we dote on our 3 sons aged 15, 12, and 4.5 years old. I work in an IT company (for 3 years now) and work allows me to blog, twit, post pics, and try new tech stuff in the internet. If you happen to visit, feel free to look around. :) Or you can find me on blogspot too: http://moonlight-mom.blogspot.com/

RSS Follow me on Twitter

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Archives

Top Posts

Top Clicks

  • None

Stats

Page Rank


web tracker

Communities

Pinoy Hot Blogs Photoblogs - Top Blogs Philippines



Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
%d bloggers like this: