CAPTURED MOMENTS

Liwaliw

Posted on: August 14, 2008

View from GB5
View from Greenbelt 5 (GB5)

“Mall” agad ang pumasok sa isip ko sa temang liwaliw. Tamang-tama. Ang litratong aking lahok ay kuha ko habang ako ay nasa loob ng Greenbelt 5, sa parteng malapit sa bagong mamahaling boutique na Adora. πŸ˜€

Nasa Manila kasi ako noong 080808 para sa opening/blessing ng aming opisina. Kaya noong sumunod na araw ng Sabado, inilibot ako at ang aking hubby ng aking mga magulang at mga kapatid sa bagong GB5.

Maganda… Kumain pa nga kami sa Travel Cafe kung saan unang natikman ng aking Ma, Pa at sis ang coffee alamid, ang isa sa pinakamahal na kape sa buong mundo. Sa Pilipinas lang yata ito nakikita. Sa umpisa nag-atubili akong subukan pero nang matikman na, masarap pala.

Kakaiba ang naging pagsubok ni Ma. Sa una, sarap na sarap siyang lagukin ang coffee alamid. Parang capuccino daw ang lasa. Pero di maipinta ang mukha ni mader nang malaman nyang galing pala ito sa dumi ng alamid. Nai-imagine kasi nya na pusa ang alamid kahit ito ay mas mukhang “mongoose”. Hahaha…. Makikita dito >>> http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/4896230.stm ang karagdagang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng sikat na coffee alamid.

Eto naman ang litrato naming mag-anak na kuha ni hubby habang nasa Travel Cafe…. bukod sa napakalaking halo-halo na di namin naubos, Coffee alamid ang hawak ni Pa sa kuha na ito.

Travel Cafe

Saan kaya nagliwaliw ang ibang sumali sa Litratong Pinoy? Puntahan natin…

22 Responses to "Liwaliw"

Hindi pa ako nakapunta ng GB5, but your entry is enticing so I hope I can have time to go there.

Happy LP!

Ang gaganda (at gwapo) naman ng nasa litrato! Masarap magliwaliw sa mall lalo na kung maraming pera….=D

Ang ganda din ng litrato ng gbs sa taas…kakaibang kakaiba na nga! Happy LP!

oo nga…paboritong lugar ng mga pinoy upang magliwaliw ang mga mall! at kahit saang lungsod dyan…tyak na may mall!

ang gaganda talaga ng mga mall dyan sa atin ano?

magandang araw sa iyo!

bakit kaya di ko naisipang kunan ang lugar na ito mula sa taas? ang ganda pala pag ganon, sayang. di bale babalik na lang ako. =) ang ganda sa greenbelt, ano?

Ang litrato ko ngayong linggo ay kuha noong nakaraang LP eb. Daan ka DITO kung gusto mo masilip. Maraming salamat. Hapi Huwebes!

Ang mall, bow. Ang dami ngang mall dito sa Pilipinas. Hindi pa ako nakaka-inom ng alamid coffee, sana kayanin koπŸ˜€

OO ang dami talagang mall sa Pilipinas tapos ang daming tao parang lahat may pera…Bisita karin sa bahay ko salamat..

Sorry nga pala mali pala ang link hindi ko kasi tiningnan sa isang site ko napunta ..dito ang litratong pinoy ko salamat..

i’ve heard about that kapeng alamid, i guess wag nalang isipin kong saan dumaan ang coffee beans na yan. hehehehπŸ˜‰

napanood ko yan Adora sa show ni K. Sanchez at sosyal talaga ang lugar! Nakakatuwa yang alamid coffee ha! parang di ko kayang tikman :p

greenbelt.πŸ™‚ namiss ko tuloy mga mall dyan sa Pinas.. hehehe.. ^_^
coffee alamid. ngayon ko lang narinig yan ah.. di ako mahilig sa kape eh, hehehe.. pero mukhang interesante ang lasa nyan..πŸ™‚

nice view… happy huwebes…πŸ™‚

ang ganda ng shot mo sa GB5. yong first time kong matikman ang coffee alamid na yan, medyo nag-hesitate din ako (hahaha). i don’t blame your mother—i’m sure nanay ko kahit tikim ayaw non. hahaha

malling din ang kadalasan naming pagliliwaliw diyan sa atin. nahomesick ako bigla. huhu! may laban talaga ang mga malls natin sa mga malls dito…mas maganda pa nga ang atin!

happy huwebes!

Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

Ako rin di pa nakakapunta ng GB5 o nakakainom ng coffee alamid. Mukhang madaling gawin ang pagliwaliw sa GB5. Sobrang hirap namang uminom ng kapeng alamid. Magandang Hwebes!

ay di ko ata kaya ang kapeng alamid..adventuruous ako pero di ko alam kung kakayanin ko yanπŸ˜€

pupunta ako sa gb3 4 & 5 pag-uwi ko hehehe. at siguro pareho kami ng magiging reaction ni mamarazzi tungkol sa kape alamid.πŸ˜€

ang ganda na talaga ng greenbelt… parang di naghihirap ang pilipinas.

Sa Greenbelt ba yung may restaurant ni Pilita Corales, where they serve great pizza? First time namin na nakarating dun eh kaya di ko sure ;D

I believe na Malling talaga ang ultimate liwaliw expirience mapalalake man o babae.

Happy LP

wow! parang palaki ng palaki ang greenbelt…dami na naming na miss na magagandang lugar sa Pinas.

Alamid Coffee, anyone? This again is an illustration that what you do not know does not hurt. Yes? Your Mamarazzi’s experience is like that until she was told about the Alamid Coffee. But I like it the reason I drank it with obvious relish. It is like eating Durian which smells like hell but tastes like heaven!

HI PAPARAZZI! Korek… Buti na lang di nai-kwento ni Junnie sa cellphone conversation nila ang tungkol sa coffee alamid or else, di talaga titikim si mader.πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Hello!

I'm 1/5th of a party of 5 based in Cebu. I've been married to my best friend for 16 years and we dote on our 3 sons aged 15, 12, and 4.5 years old. I work in an IT company (for 3 years now) and work allows me to blog, twit, post pics, and try new tech stuff in the internet. If you happen to visit, feel free to look around. :) Or you can find me on blogspot too: http://moonlight-mom.blogspot.com/

RSS Follow me on Twitter

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Archives

Top Posts

Top Clicks

  • None

Stats

Page Rank


web tracker

Communities

Pinoy Hot Blogs Photoblogs - Top Blogs Philippines



Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
%d bloggers like this: