CAPTURED MOMENTS

Archive for the ‘Litratong Pinoy’ Category

Hindi pa tapos ang pakikipagsapalaran sa akademiya ng aking mga anak. Sa bawat taon na napipili sila bilang honor students, para sa amin, ito ay representasyon ng tagumpay sa bawat baytang na kanilang daanan.

Pasintabi lang po sa mistulang pagyayabang sa lumang larawan na ito pero nais ko lang ibahagi ang para sa aming pamilya ay isa sa mga simbolo ng pagwawagi.

Picnik collage

Batiin natin ang mga litratistang nakilahok sa linggong ito sa tema ng Litratong Pinoy.

Advertisements

Isa ito sa unang pumasok sa aking isip para sa tema ngayon sa Litratong Pinoy.

nb_linnor
Litrato ko at ng aking kapatid, mahigit 35 taon na ang nakalilipas. Wehehe, ang tagal na nun!

Ito rin ang litratong kasama sa feature sa nostalgia bloggista noong isang taon.

May mga ibang lugar na sadyang madilim para mas maganda ang dating… gaya ng bar. Ang lahok ko sa linggong ito sa Litratong Pinoy ay kuha sa Treff Bar sa loob ng Waterfront Hotel & Casino sa Cebu. Ang bar na ito ay glass ang bubong kaya “see-through” ang mga bituin sa kalangitan. Pag tumingala ka, ganito ang view mo:

Treff

Kung ikaw ay nakarating na sa Manila Ocean Park, kapansin-pansin ang lugar na kung saan nakapuwesto ang mga kwadradong upuan na ito na gawa sa plastic. Madilim dito at ang nagbibigay ng bahagyang liwanag ay ang mga upuan na merong ilaw sa loob. Ang maganda, nagpapalit-palit pa ng kulay ang ilaw ng bawat isa. 🙂

Ayan, nagkaroon ako ng lahok para sa linggong ito. Teka, tingnan naman natin ang ibang klaseng liwanag na ibinahagi ng mga ka-litratista sa Litratong Pinoy?

Manila Ocean Park

Bago Nga Kaya?

Noong ika-12 na kaarawan ni Kyle, minabuti kong bilhan siya ng mga libro bilang isa sa mga regalong galing sa amin. Nang mabili ko na ang mga libro, pati ang aming 15 taong gulang na panganay ay na-engganyong humiram nito. Nakakatuwa dahil sa kabila ng mga makabagong electronic na gamit nila gaya ng cellphone, ipod, kompyuter, Playstation at PSP, nahihilig pa rin sila sa pagbabasa.

Ang mga bagong librong hard-bound na ito ay nabili ko sa halagang P375 (suma tutal). Mura diba? Naka-sale na kasi, taong 2008 pa yung almanac gayong patapos na ang taon at papasok na ang 2009.

Ikutin natin ang mga litratistang Pinoy/Pinay para tingnan kung ano naman ang bago sa kanila.

Ang Coloseo ang isa sa mga kilalang lumang istruktura na magpahanggang ngayon ay nakatayo pa. Ginawa noong AD72 hanggang AD80 (ayon sa nakatala sa internet), ito ang ginamit na arena ng mga Romano para panoorin ang paglalaban ng Kristiyano at leon o kaya naman ay mga “gladiators”.

Taong 2003 nang makita ko sa unang pagkakataon ang pamosong atraksyon na ito sa Rome at tunay na kamangha-mangha ang tanawin na aking nakita. Pakiramdam ko noon ay parang nagbabalik ako sa lumang panahon ng mga Romano.

Sana nagustuhan ninyo ang napili kong ilahok sa linggong ito para sa Litratong Pinoy.

Day9-1216 colosseum

Ilang taon akong nasanay gumamit ng kung ano-anong brand ng computer, mapa-laptop man o yung ordinaryong desktop. Pero sa kainitan ng aking pagkahilig sa photoblogging noong 2005, naisipan kong bumili ng sariling laptop. At sa pange-engganyo ng aking kapatid, napag-desisyunan kong bumili ng aking unang Apple na produkto, ang iBook.

My Zen Worstation

Inspirado akong magtrabaho. Bakit ika nyo? Ang ganda ng laptop tapos ganito pa ang view ko sa maghapon…

Infinity View

Simula noon di na ako gumamit ng non-Mac. Tuluyang naging Mac convert na ako. Sa kabutihang palad, noong lumipat ako sa aking bagong employer noong 2007, MacBook ang naging standard equipment naming lahat. O, di ba? Ang saya! 🙂

Jake and Mac

Nakaka-curious din makita kung ano naman ang mga computer ng mga litratista sa Litratong Pinoy. Tingnan natin dito.


Hello!

I'm 1/5th of a party of 5 based in Cebu. I've been married to my best friend for 16 years and we dote on our 3 sons aged 15, 12, and 4.5 years old. I work in an IT company (for 3 years now) and work allows me to blog, twit, post pics, and try new tech stuff in the internet. If you happen to visit, feel free to look around. :) Or you can find me on blogspot too: http://moonlight-mom.blogspot.com/

RSS Follow me on Twitter

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Archives

Top Clicks

  • None

Stats

Page Rank


web tracker

Communities

Pinoy Hot Blogs Photoblogs - Top Blogs Philippines



Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


Page copy protected against web site content infringement by Copyscape